Proseso ng pagpaparehistro ng SIM dapat mas gawing accessible sa publiko

Ikinalulugod ni Ang Probinsyano Party-list Representative Alfred delos Santos ang pagpapalawig sa SIM Registration. Mula sa orihinal na April 26 deadline ay binigyan ng 90-araw na dagdag palugid o hanggang July 25 ang publiko na irehistro ang kanilang mga SIM card salig sa SIM Registration law. Nanawagan naman ang mambabatas sa mga telecommunication company at… Continue reading Proseso ng pagpaparehistro ng SIM dapat mas gawing accessible sa publiko

PNP Chief sa mga mamamayan: magsumbong sa mga pulis

Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga mamamayan na aktibong makipagtulungan sa mga pulis sa Anti-Crime Campaign sa pamamagitan ng pagsusumbong ng mga insidente sa kanilang kapaligiran. Ayon sa PNP Chief, ganito ang pinairal nilang sistema noong siya ay Regional Director sa Police Regiona Office (PRO) 10, kung… Continue reading PNP Chief sa mga mamamayan: magsumbong sa mga pulis

Combined Joint Littoral Live Fire Exercise, isasagawa ngayong umaga sa Zambales

Ngayong umaga isasagawa ang Combined Joint Littoral Live Fire Exercise sa San Antonio, Zambales, na “highlight” ng Balikatan 38 – 2023. Ang pagsasanay ay katatampukan ng paggamit ng High Mobility Rocket System (HIMARS) para tamaan ang target sa karagatan. Dito’y palulubugin ang isang lumang barko ng Philippine Navy, ang BRP Pangasinan (PS-31), na gagawing target… Continue reading Combined Joint Littoral Live Fire Exercise, isasagawa ngayong umaga sa Zambales

18 barangay sa Mandaluyong City, drug-cleared na

Nadagdagan pa ng dalawang barangay ang idineklarang drug-cleared sa Lungsod ng Mandaluyong. Nakamit ng Barangay Barangka Ibaba at Barangay Hagdan Bato Libis ang drug-cleared certification sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency, Mandaluyong Drug Abuse Council, at Philippine National Police. Dahil dito, 18 mula sa 27 barangay na ang itinuturing na drug-cleared sa lungsod. Sinabi… Continue reading 18 barangay sa Mandaluyong City, drug-cleared na

36 Police Officials, nakitaan ng koneksyon sa illegal drug trade

Kasalukuyan pang binubusisi ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang ulat ng binuong 5-Man Advisory Group. Ito ay may kaugnayan sa inihaing courtesy resignation ng mga Police Official hinggil sa pagkakasangkot ng ilan sa mga ito sa iligal na droga. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, Huwebes pa noong isang linggo… Continue reading 36 Police Officials, nakitaan ng koneksyon sa illegal drug trade

DSWD Sec. Gatchalian, inalerto na ang Regional Directors bilang paghahanda sa El Niño

Pinulong na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga Regional Director ng ahensya, bilang paghahanda sa El Niño na maaaring maranasan ngayong taon. Sa ginanap na virtual briefing sa Agency Operations Center, tinalakay ang Disaster Preparedness ng DSWD upang matiyak ang agarang pagresponde sa mga residente na maaapektuhan ng… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, inalerto na ang Regional Directors bilang paghahanda sa El Niño

DOE, suportado ang pagpapatupad ng RCEP Agreement

Welcome sa Department of Energy (DOE) ang pag-endorso ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa inilabas na Executive Order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ay kaugnay sa pagpapatupad ng isang kasunduan sa ilalim ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, naniniwala silang mabisang kasangkapan ang RCEP para… Continue reading DOE, suportado ang pagpapatupad ng RCEP Agreement

Pagsasapubliko sa pangalan ng mga Pulis na napatunayang sangkot sa ilegal na droga, ipinauubaya na ng bagong PNP Chief sa Pangulo

Nanindigan si bagong Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. na hindi niya kukonsintihin ang mga Pulis na mapatutunayang gumagawa ng mali. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw, sinabi ni Acorda, na handa niyang tanggalin sa serbisyo at ihatid pa sa rehas na bakal ang mga Police scalawag kung kinakailangan.… Continue reading Pagsasapubliko sa pangalan ng mga Pulis na napatunayang sangkot sa ilegal na droga, ipinauubaya na ng bagong PNP Chief sa Pangulo

Vice Pres. Sara Duterte, pinatitiyak sa local leaders ang 100% target sa edukasyon ng kabataan

Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa local leaders at sa mga magulang na tiyaking 100 porsiyento ng mga kabataan ang pumapasok sa paaralan. Sa kanyang pagbisita sa Hinoba-an, Negros Occidental, binigyang-diin ni VP Sara na mahalagang magabayan ang mga bata tungo sa tamang landas upang makaiwas sa ilegal na droga at karahasan. Muli ring… Continue reading Vice Pres. Sara Duterte, pinatitiyak sa local leaders ang 100% target sa edukasyon ng kabataan

PNP Chief Acorda, nagsagawa ng kanyang unang Command Conference

Matapos pormal na manungkulan kahapon bilang ika-29 na Philippine National Police (PNP) Chief, nagpatawag ng isang Command Conference kaninang umaga si PNP Chief General Benjamin Acorda. Pasado alas-9 ng umaga sinimulan ang Command Confernce na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng PNP. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan, dito ibinahagi… Continue reading PNP Chief Acorda, nagsagawa ng kanyang unang Command Conference