DOE, suportado ang pagpapatupad ng RCEP Agreement

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Energy (DOE) ang pag-endorso ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa inilabas na Executive Order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay kaugnay sa pagpapatupad ng isang kasunduan sa ilalim ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, naniniwala silang mabisang kasangkapan ang RCEP para sa interes ng bansa hinggil sa trade liberalization, at lumikha ng isang competitive investment envorionment sa energy sector.

Naniniwala rin si Lotilla, na magbibigay ito ng pagkakataon upang makapag-expand ng market access gayundin ang pagtatatag ng isang malinaw, matatag at makatuwirang panuntunan sa mga produkto at serbisyo na may kinalaman sa enerhiya.

Dagdag pa ng Energy Chief, na mapag-iibayo pa ng RCEP ang business climate para sa sektor ng enerhiya sa pamamagitan ng pinaigting na energy-related trade. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us