Kasalukuyan nang nasa Cairo ang may 51 Pilipinong nasagip ng pamahalaan matapos maipit sa gulo sa bansang Sudan
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos matagumpay na makatawid sa border mula Khartoum ang mga nasabing Pinoy sa pakikipagtulungan ng Embahada at Konsulada ng Pilipinas.
Personal na sinalubong ni Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago ang mga nailikas na Pilipino na bahagi ng unang batch ng mga Pilipinong nakatakdang irepatriate.
Ayon naman kay DFA Spokesperson, Ambassador Teresita Daza, inaasahang maraming bus ang sasakyan ng mga Pinoy Evacuee.
Magugunitang mula sa 740 kabuuang bilang ng mga Pilipino sa Sudan, 350 rito ang humiling ng repatriation o maiuwi na sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala