Higit 1,000 titulo ng lupa, ipinamahagi ng DAR sa agrarian reform beneficiaries sa Central Luzon

Namahagi sina Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, Senador Imee Marcos, at Senador Francis Tolentino ng mga titulo ng lupa sa kabuuang 1,053 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Central Luzon. Ayon sa DAR, sumasaklaw ito sa higit 1,100 ektarya ng lupaing pang-agrikultural sa Nueva Ecija, at mga lalawigan ng  Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac at… Continue reading Higit 1,000 titulo ng lupa, ipinamahagi ng DAR sa agrarian reform beneficiaries sa Central Luzon

National Land Use Act, pasado na sa komite sa Kamara

Aprubado na ng House Special Committee on Land Use ang substitute bill para sa panukalang National Land Use Act. Sa pahayag ni Committee Vice Chairperson at Nueva Ecija Representative Ria Vergara, layon nitong maglatag ng polisiya para protektahan ang mga lupang sakahan, irrigated at irrigable lands, lupa para sa high-value crops, at ibang lupang pang-agrikultura… Continue reading National Land Use Act, pasado na sa komite sa Kamara

Bagong sattelite offices ng DSWD, binuksan sa Caloocan at Baclaran

Mas inilapit pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang serbisyo nito sa mga residente ng Metro Manila sa pagbubukas ng mga karagdagang satellite offices. Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang opisyal na pagbubukas ng DSWD Field Office NCR Crisis Intervention Section (CIS) Satellite Office sa Victory Food Market, Baclaran, Parañaque City… Continue reading Bagong sattelite offices ng DSWD, binuksan sa Caloocan at Baclaran

Ilang taxi driver na suki ng mga car wash, hati ang opinyon sa panukalang limitahan ang operasyon ng mga negosyong malakas kumonsumo ng tubig

Kanya-kanyang opinyon ang ilang taxi driver na suki ng mga car wash sa panukalang limitahan ang operasyon ng mga establisimyento na malakas kumonsumo ng tubig. Sa gitna yan ng panawagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magpasa ng ordinansa ang mga lokal na pamahalaan para limitahan ang mga establisimyentong gumagamit ng malaking volume… Continue reading Ilang taxi driver na suki ng mga car wash, hati ang opinyon sa panukalang limitahan ang operasyon ng mga negosyong malakas kumonsumo ng tubig

Office of the Vice President, nagkasa ng panibagong relief ops sa 3 LGUs sa Oriental Mindoro

Nagkasa ng panibagong relief mission ang Office of the Vice President sa tatlong local government units sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng malawakang oil spill. Sa pamamagitan ng OVP-Disaster Operations Center, naihatid ang 2,924 sacks ng bigas na katumbas ng mahigit 146,000 kilograms sa mga bayan ng Naujan, Bulalacao at Calapan City. Nasa 1,469 sacks… Continue reading Office of the Vice President, nagkasa ng panibagong relief ops sa 3 LGUs sa Oriental Mindoro

Pilipinas, malaki ang magiging pakinabang sa nakatakdang pulong sa pagitan ni PBBM at US Pres. Biden

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na malaki ang magiging balik sa Pilipinas ng nakatakdang biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Amerika. Ayon sa mambabatas, pinakamakikinabang ang Pilipinas sa inaasahang paghaharap ni PBBM at US President Joe Biden lalo na pagdating sa seguridad, ekonomiya, at paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino. Para… Continue reading Pilipinas, malaki ang magiging pakinabang sa nakatakdang pulong sa pagitan ni PBBM at US Pres. Biden

Sen. Villanueva, isinusulong na maisama sa El Niño plan ng gobyerno ang agriculture insurance

Nais ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na magkaroon ng solusyon sa problema ng mga magsasaka sa agricultural insurance at maisama sa plano ng pamahalaan para mabawasan ang epekto ng papalapit na El Niño phenomenon. Sa inihaing Senate Resolution 549 ni Villanueva, nais nitong makita ang estado ng agricultural insurance ng gobyerno lalo na’t ang… Continue reading Sen. Villanueva, isinusulong na maisama sa El Niño plan ng gobyerno ang agriculture insurance

House panel chair, handang tumulong sa repatriation ng mga OFW sa Sudan

Nangako si House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at KABAYAN Party-list Representative Ron Salo na nakahandang tumulong ang kaniyang komite sa isinasagawang repatriation efforts ng pamahalaan sa Sudan. Sa pagdalo ng mambabatas sa isinagawang briefing ng Department of Foreign Affairs (DFA), inihayag nito ang pagkabahala at pag-aalala sa mga kababayan nating naiipit ngayon sa… Continue reading House panel chair, handang tumulong sa repatriation ng mga OFW sa Sudan

Pinanggalingan ng 990 kilo ng shabu na narekober kay Mayo, inaalam ng SITG

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Colonel Red Maranan na kasama sa imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) ang pinagmulan ng 990 kilo ng shabu na narekober sa lending agency na pag-aari ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo. Ayon kay Maranan, nagsasagawa ng back-tracking ang SITG para malaman kung… Continue reading Pinanggalingan ng 990 kilo ng shabu na narekober kay Mayo, inaalam ng SITG

PNP, tiniyak ang privacy ng impormasyon sa kanilang data system

Nakikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para masiguro ang seguridad, kaligtasan, at privacy ng impormasyong nasa kanilang data system. Ang pahayag ay ginawa ni PNP Public Information Office (PIO) Chief Colonel Red Maranan kaugnay ng umano’y PNP Recruitment Application Portal leak. Ayon sa opisyal, nagsasagawa na rin… Continue reading PNP, tiniyak ang privacy ng impormasyon sa kanilang data system