6 na bakasyonista, nailigtas ng Naval Forces West sa karagatan ng Puerto Princesa, Palawan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nailigtas ng mga tauhan ng Naval Forces West ang anim na sakay ng lumulubog na banka sa bisinidad ng Ulugan Bay, Brgy. Bahile, Puerto Princesa, Palawan, nitong Easter Sunday.

Ang mga nasagip na kinabibilangan ng isang bata ay umalis mula sa Macarascas sakay ng MB Dexter, patungo ng Rita Island para mamasyal nang masiraan ng makina ang kanilang bangka.

Natagpuan ng BRP Andres Bonifacio (PS17) ang stranded na bangka na bahagyang nakalubog dahil sa lakas ng alon, at agad nagdispatsa ng team para sumaklolo.

Ang mga nasagip na pasahero ay agad binigyan ng medikal na atensyon, at hinila ang kanilang bangka pabalik ng Macarascas.

Matapos na masiguro na nasa maayos na kondisyon, ang mga nailigtas na pasahero ay tinurn-over sila sa barangay captain ng Macarascas at ligtas na nakauwi sa Purok Maligaya, Brgy. Macarascas, Puerto Princesa City. | ulat ni Leo Sarne

?: Naval Forces West PAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us