Aabot sa pitong porsyento ng sambahayang Pilipino ang may kaanak na isang overseas Filipino worker ayon yan sa Social Weather Stations (SWS)
Batay sa isinagawa nitong survey, lumalabas na 75% ng mga household na ito ang nagsabing madalas silang tumatanggap ng perang padala mula sa kanilang kaanak na OFW.
Nasa 17% naman ang nagsabing minsan lang mapadalhan ng pera habang 3% ang hindi nakakatanggap ng remittance.
Samantala, lumabas rin sa survey na halos dalawa sa bawat 10 Pilipino ang gustong tumira sa ibang bansa kung saan 7% rito ang kasalukuyang naghahanap na ng trabaho abraod.
Kabilang sa mga nangungunang bansa na tina-target na mapuntahan para sa trabaho ng mga Pinoy ang:
-Canada (16%)
-Saudi Arabia (12%)
-Kuwait (9%)
-United Arab Emirates (9%)
-Japan (7%)
-Qatar (6%)
-United States of America (6%)
Ang survey ay isinagawa mula December 10-14, gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents sa iba’t ibang bahagi ng bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa