8 sa 10 pugante sa Lungsod ng Pasay, naaresto na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik na sa kulungan ang 8 mula sa sampung pugante sa Malibay Police Station Pasay naaresto na.

Matatandaan kahapon ng alas-4 pasado ng madaling araw nang isinagawa ang kanilang pagtakas sa pamamagitan ng pagsira sa rehas at pagpalo ng kahoy sa jailer kung saan sapilitang kinuha ang baril at susi nito.

Unang naaresto ang dalawa sa Brgy. 59, Pasay City, sumunod na may naaresto sa Taytay,Taguig City, Calamba City, Baclaran, Maricaban, Pasay at Imus, Cavite.

Ayon kay Pasay City Chief Police PCol. Froilan Uy, kabilang na lang sa hinahanap ay sina Norman Deyta at Richard Dela Cruz na kapwa may kasong paglabag sa iligal na droga.

Sinabi pa ni Col. Uy na ang pinaghahanap na si Norman Deyta ay siyang pasimuno sa pagtakas, mayor sa kulungan at siyang nanakit at umagaw ng baril sa jailer.

May impormasyon na kung nasaan ang dalawang pugante pero hindi muna isinapubliko para hindi masunog ang manhunt operation. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us