86 OFWs sa Sudan, humingi ng tulong sa DFA para sa agarang repatriation dahil sa nangyayaring tensyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 86 na OFWs ang humingi ng saklolo sa Deparment of Foreign Affairs o DFA hinggil sa nangyayaring tensyon sa pagitan ng Sudan Forces at ng Rapid Support Forces.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega, nakikipag-ugnayan na sila sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo para sa pagsasagawa ng agarang repatriation sa mga OFWs sa naturang bansa.

Dagdag pa ni De Vega, popondohan nila ang repatriation ng 86 OFWs na nais nang bumalik sa ating bansa.

Kaugnay nito, ayon sa World Health Organization nasa 300 katao na ang nasawi sa naturang tensyon at nasa 3,000 naman ang sugatan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us