Mismong si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ang nagbigay ng ‘go signal’ na palawigin ang SIM card registration.
Ang extension ay tatagal ng 90 araw na magsisimula sa Abril 27.
Ang approval ng pangulo ay ginawa kasunod ng isinagawang sectoral meeting sa Malacañang na kung saan ay kasama sa pulong sina DICT Secretary John Ivan Uy at mga opisyal ng National Telecommunications Commission.
Sa ulat na ipinresenta ng DICT kay Pangulong Marcos Jr., nasa 70% ng active SIMs Ang target na mairehistro sa 90-day extended period.
Bago ang April 26 deadline ay napag-alamang tumataas ang bilang ng daily registrants.
Ang Republic Act No. 11934 o Ang SIM Registration Act na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong October 10, 2022 ay naglalayong mapigilan ang nakakaalarmang pagkalat ng spam messages at scams sa bansa. | ulat ni Alvin Baltazar