Abot-kayang edukasyon at pagsasanay sa mga drayber, tiniyak ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaisa ang Land Transportation Office at ang grupo ng mga driving school sa pagbibigay ng mas abot-kayang halaga ng driver’s education.

Partikular na dito ang inaprubahang maximum prescribed rates na paiiralin na simula sa Abril 15.

Kasunod ito ng idinaos na pulong ng LTO sa mga miyembro ng Association of Accredited Driving Schools of the Philippines, Inc., Philippine Association of LTO Accredited Driving Schools at ibang kumpanya ng driving school sa bansa.

Ipinahayag ng mga driving school ang suporta sa layunin ng LTO na maging makatwiran at balanse ang singilin ng mga driving school kasabay ng pagtitiyak na makasusunod sa mga bagong panuntunan ng ahensya sa ilalim ng Memorandum Circular No. JMT 2023-2390.

Alinsunod sa Memorandum, nasa kabuuang P3,500 ang maximum na halaga ng Theoretical at Practical Driving Courses sa mga magmamaneho ng motorsiklo habang nasa P5,000 naman para sa light vehicle. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us