Mga panukala para pasiglahin pa ang ekonomiya ng Pilipinas, ipapasa ng Kongreso

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa foreign investors at multilateral lenders na pagtitibayin ng Kamara ang mga panukala upang gumanda at sumigla ang ekonomiya ng Pilipinas. Kasunod ito ng ginawang presentasyon ng economic managers ng Marcos Jr. administration sa pangunguna ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa isang pagtitipon ng mga investor sa Estados Unidos.… Continue reading Mga panukala para pasiglahin pa ang ekonomiya ng Pilipinas, ipapasa ng Kongreso

Higit ₱3-m halaga ng ayuda, nailaan na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Amang

Aabot na sa ₱3.7-milyong halaga ng relief assistance ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang apektado ng bagyong Amang. Kabilang rito ang nasa higit 7,000 family food packs na naihatid sa Camarines Sur at sa Guinobatan, Albay. Bukod sa Bicol Region, tuloy-tuloy rin ang koordinasyon ng ahensya sa iba… Continue reading Higit ₱3-m halaga ng ayuda, nailaan na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Amang

Taas-presyo sa bigas, ramdam na ng ilang nagtitinda sa carinderia

Umaaray na rin ang ilang nagtitinda sa carinderia dahil sa paggalaw ng presyo ng bigas. Si Ate Laila na nagtitinda sa Project 6 sinabing nasa ₱30 ang itinaas sa kanilang binibiling 25 kilos na bigas o higit piso kada kilo. Dahil sa taas-presyo ng bigas, kanya-kanyang diskarte ang mga nagtitinda na gaya ni Kuya Jeff,… Continue reading Taas-presyo sa bigas, ramdam na ng ilang nagtitinda sa carinderia

Sen. Nancy Binay, hinikayat ang Dept of Tourism na rebyuhin ang mga proyekto ng Nayong Pilipino

Dapat nang rebyuhin ng Department of Tourism (DOT) ang mga proyekto ng Nayong Pilipino Foundation matapos iulat ng Commission on Audit (COA) na aabutin na lang ng lima hanggang anim na taon ang pondo nito. Kabilang sa pinarerebyu ng senador ang ₱1.5-billion na tourism oriented theme project na inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA).… Continue reading Sen. Nancy Binay, hinikayat ang Dept of Tourism na rebyuhin ang mga proyekto ng Nayong Pilipino

SIM Registration, hiniling na palawigin

Nakahanap ng kakampi ang public telecommunications entities (PTE) kay Camarines Sur Representative LRay Villafuerte para sa panawagang palawigin ang SIM registration. Sa April 26 na kasi ang deadline para sa pagpaparehistro ng SIM cards ngunit mayroong pa ring tinatayang 100 million subscribers ang hindi pa nakakapag-parehistro. Ayon kay Villafuerte salig sa SIM Registration Act maaaring… Continue reading SIM Registration, hiniling na palawigin

Kahalagahan ng isinasagawang Balikatan Exercises sa pagitan ng sundalong Pilipino at Amerikano, binigyang-diin ng PCO

Inilahad ng Presidential Communications Office (PCO) ang importansiya ng isinasagawa ngayong ika-38 Balikatan Exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at ng Amerikano. Ayon sa PCO, mahalaga ang Balikatan gayung naipapakita dito ang pagtutulungan sa defense at military operation ng dalawang bansa. Bukod dito ay mapapalawig din aniya ng bansa ang pagpapalakas sa maritime security… Continue reading Kahalagahan ng isinasagawang Balikatan Exercises sa pagitan ng sundalong Pilipino at Amerikano, binigyang-diin ng PCO

Bigas na ipamamahagi sa mga relief ops, isinama sa volume ng rice import proposal ng NFA kay PBBM

Nasa 330,000 metric tons ng bigas ang iminungkahi ng National Food Authority (NFA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para angkatin at maidagdag sa kailangang buffer stock ng bansa. Isa ito sa napag-usapan sa ipinatawag na pulong ng Pangulo sa Malacañang kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Plant Industry (BPI),… Continue reading Bigas na ipamamahagi sa mga relief ops, isinama sa volume ng rice import proposal ng NFA kay PBBM

3 barkong pandigma ng Pilipinas at U.S., dumating sa Palawan para sa Amphibious Assault Exercise

Dumating kahapon sa Joint Area of Operations ng Western Command (Wescom) ang tatlong barkong pandigma ng Pilipinas at Estados Unidos para sa Amphibious Assault Exercise na bahagi ng Balikatan 38-2023 Military Exercise. Kalahok sa ehersisyo ang BRP Jose Rizal (FF150), isa sa mga pinakabagong barko ng Philippine Navy, at BRP Tarlac (LD601), kasama ang United… Continue reading 3 barkong pandigma ng Pilipinas at U.S., dumating sa Palawan para sa Amphibious Assault Exercise

Mataas na survey rating ng Kamara at House Speaker, patunay sa tiwala ng publiko sa legislative priorities ng Kapulungan

Ipinapakita ng mataas na survey ratings na nakuha ng House of Representatives at ni House Speaker Martin Romualdez ang kumpiyansa ng publiko sa pagsusulong ng Mababang Kapulungan ng legislative priorities ng pamahalaan. Ito ang sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe matapos makakuha ng 56% net performance rating ang Kamara sa isinagawang SWS survey… Continue reading Mataas na survey rating ng Kamara at House Speaker, patunay sa tiwala ng publiko sa legislative priorities ng Kapulungan

PBBM: Pag-alis ng health professionals sa ASEAN region upang mag-trabaho sa ibang bansa, kailangan matugunan

Kailangang makahanap ng paraan ang Southeast Asian countries upang tugunan ang usapin ng rehiyon sa pag-alis ng healthcare workers nito, upang magtrabaho sa mas malalaking bansa. Isa ito sa mga tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa courtesy call ng mga opisyal ng Temasek Foundation sa Malacañang. Isa itong non-profit philanthropic arm ng state… Continue reading PBBM: Pag-alis ng health professionals sa ASEAN region upang mag-trabaho sa ibang bansa, kailangan matugunan