Pagpapatupad ng Single Ticketing System sa Metro Manila, pinagtibay na

Pormal nang pinagtibay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Metro Manila Council (MMC) at ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng Single Ticketing System. Ito’y sa paamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Agreement sa pagitan ng tatlong nabanggit sa punong tanggapan ng MMDA sa Pasig City ngayong araw. Bago ito, pinangunahan ni MMDA Acting Chairman,… Continue reading Pagpapatupad ng Single Ticketing System sa Metro Manila, pinagtibay na

Higit P217-M na halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng Mindoro oil spill, naipamahagi na

Umakyat na sa P217 milyon na halaga ng tulong ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong residente ng oil spill, bunsod ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro, ika-28 ng Pebrero. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni DSWD Asec. Romel Lopez na kabilang na dito… Continue reading Higit P217-M na halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng Mindoro oil spill, naipamahagi na

Abot-kayang edukasyon at pagsasanay sa mga drayber, tiniyak ng LTO

Nagkaisa ang Land Transportation Office at ang grupo ng mga driving school sa pagbibigay ng mas abot-kayang halaga ng driver’s education. Partikular na dito ang inaprubahang maximum prescribed rates na paiiralin na simula sa Abril 15. Kasunod ito ng idinaos na pulong ng LTO sa mga miyembro ng Association of Accredited Driving Schools of the… Continue reading Abot-kayang edukasyon at pagsasanay sa mga drayber, tiniyak ng LTO

Social Protection Programs para sa Cultural Communities at IPs, palalakasin ng DSWD, NCIP

Papahusayin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng social protection programs para sa mga Indigenous Cultural Communities/at Indigenous Peoples sa bansa. Nagpulong na si DSWD Secretary Rex Gatchalian at si National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Chairperson Allen Capuyan upang tuklasin ang iba pang paraan upang mapalakas ang mga programa… Continue reading Social Protection Programs para sa Cultural Communities at IPs, palalakasin ng DSWD, NCIP

Balasahan ng mga guwardiya sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, may basbas ni Sec. Boying Remulla

Inamin ni Justice Secretary Crispin Remulla na may basbas niya ang pagtanggal sa mga matatagal nang guwardiya sa National Penitentiary sa Muntinlupa City. Ayon kay Remulla, nagpaalam sa kanya si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang noong nakaraang linggo para magsagawa ng balasahan sa mga bantay ng New Bilibid Prison. Tama lang din… Continue reading Balasahan ng mga guwardiya sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, may basbas ni Sec. Boying Remulla

Mga kasanayan o skills na makatutulong para sa ekonomiya ng bansa, dapat palakasin

Mahalaga ngayon na tutukan ng pamahalaan ang pagpapalakas sa kasanayan o skills na makatutulong sa ating ekonomiya na lumakas at maging matatag. Ito ang payo ni Albay Representative Joey Salceda kasunod na rin ng inilabas na ulat ng Commission on Higher Education (CHED), na mahina ang ‘pandemic generation’ graduates sa kanilang soft skills dahilan para… Continue reading Mga kasanayan o skills na makatutulong para sa ekonomiya ng bansa, dapat palakasin

Pamahalaan sa commuters: Huwag gumawa ng mga aktibidad na makakaapekto sa riding public

Umaapela ang Department of Transportation (DOTr) sa commuters na huwag gumawa ng mga delikadong kilos na maglalagay ng kanilang buhay sa alanganin. Pahayag ito ni DOTr Assistant Secretary Jorjette Aquino, kasunod ng insidente noong Miyerkules kung saan tumalon sa riles ng MRT 3 ang isang babaeng pasahero, dahilan ng pagkamay nito. “Pinapaalalahanan lang po namin… Continue reading Pamahalaan sa commuters: Huwag gumawa ng mga aktibidad na makakaapekto sa riding public

Automatic na pagtala sa mga biktima ng kalamidad bilang 4Ps beneficiary, muling isinusulong ni Sen. Alan Peter Cayetano

Sa gitna ng pananalasa ng unang bagyong tumama sa Pilipinas ngayong taon, muling isinusulong ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagpapasa ng panukalang isama ang mga bitkima ng mga kalamidad sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ito ay upang matulungan ang mga biktima na makabangon. Sa Senate Bill 302 ni Cayetano, gagawing… Continue reading Automatic na pagtala sa mga biktima ng kalamidad bilang 4Ps beneficiary, muling isinusulong ni Sen. Alan Peter Cayetano

Mga programa ng Temasek Foundation na tutugon sa climate change at food security sa bansa, welcome sa Pilipinas — Pangulong Marcos Jr.

Nag-courtesy call kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga opisyal ng Temasek Foundation, ngayong araw, April 13. Isa itong non-profit philanthropic arm ng state sovereign fund ng Singapore, na sumusuporta sa mga programa at istratehiyang nag-aangat ng buhay at tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa Singapore. Sa pagbisitang… Continue reading Mga programa ng Temasek Foundation na tutugon sa climate change at food security sa bansa, welcome sa Pilipinas — Pangulong Marcos Jr.

Aprubadong “Code of Professional Responsibility and Accountability,” inilunsad ngayong araw

Inilunsad ng Korte Suprema ngayong araw ang aprubadong “Code of Professional Responsibility and Accountability” (CPRA). Ang national launching ay idinaos sa Manila Hotel, kung saan nanguna si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo at pwersa ng mga mahistrado. Habang dinaluhan naman ang paglulunsad ng iba pang mga miyembro ng hudikatura at mga abogado, piskal, hurado… Continue reading Aprubadong “Code of Professional Responsibility and Accountability,” inilunsad ngayong araw