Balasahan ng mga guwardiya sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, may basbas ni Sec. Boying Remulla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inamin ni Justice Secretary Crispin Remulla na may basbas niya ang pagtanggal sa mga matatagal nang guwardiya sa National Penitentiary sa Muntinlupa City.

Ayon kay Remulla, nagpaalam sa kanya si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang noong nakaraang linggo para magsagawa ng balasahan sa mga bantay ng New Bilibid Prison.

Tama lang din daw ang ginawa ni Catapang, dahil ginagamit na ng mga preso ang ilang BuCor officials para sa kanilang mga luho sa loob ng piitan.

Dahil masyadong nagiging malapit ang mga bantay, malaya ring nakakapasok sa Bilibid ang iba’t ibang kontrabando tulad ng alak, baraha, mga armas at maging illegal drugs.

Kahapon, ginulat ni Catapang ang mga gwardya ng National Bilibid Prison nang alisin nito sa puwesto ang hindi bababa sa 700 mga gwardya, at pinalitan ng mga bagong graduate na mga gwardya. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us