Access Road papuntang “Little Baguio” ng Bicol, nakumpleto na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways o DPWH, ang access road project sa tourist destinations sa Camarines Sur.

Ayon kay DPWH Regional Office 5 Director Virgilio C. Eduarte, saklaw ng nakumpletong proyekto ang itinayong 2-point one (1) kilometer ng dalawang konkretong lane sa Barangay Cagmanaba.

Sinabi ni Eduarte na ang nasabing kalsada ay patungo sa Ocampo Deer Farm sa Barangay Sta. Cruz, Bamboo Farm sa Hanawan, at Strawberry Fields sa Pinit.

Binanggit ni Eduarte na ang bulubundukin o matataas na lugar ng Ocampo na tinuturing na “Little Baguio of Bicol” at may malaking potential na maging destinasyon ng mga turista.

Ngayon aniyang maganda at maayos na ang kalsadang daraanan, inaasahan ang pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista na bibisita sa lugar.

Ang naturang proyekto na isinagawa ng DPWH Camarines Sur 3rd District Engineering Office ay nagkakahalaga ng ₱50 million mula sa General Appropriations Act (GAA) of 2022. | ulat ni Lorenz Tanjoco

?: DPWH

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us