AFP Chief, sinabitan ng Estrella ang 9 na bagong promote na mga opisyal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabitan ng Estrella ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino ang siyam (9) na bagong promote na heneral ng AFP.

Tumanggap ng pangatlong Estrella bilang mga bagong Lt. General sina MGen. Charlton Sean M. Gaerlan PN(M), ang kasalukuyang Deputy Chief of Staff, AFP (TDCSAFP), at MGen. Fernyl G. Buca PAF, Commander ng Northern Luzon Command.

Umangat naman sa ranggong 2-Star o Major General sina: BGen Noel D. Beleran PN(M), the Deputy Chief of Staff (DCS) for Education, Training and Doctrine, J8; BGen. Joel Alejandro S. Nacnac PA, The Internal Auditor, AFP; BGen. Fernando M. Reyeg PA, DCS for Operations, J3; at BGen Proceso S Rebancos PA, The Chief Engineer, AFP.

Habang na-promote bilang bagong one-Star o Brigadier General sina: Col. Amado V. Dela Paz PAF, Deputy Commander, Western Command; Col. Patriarch Robinson P. Pel PA, Assistant DCS for C4ISTAR Systems, AJ6; at Col. Leo Edward Y. Caranto PA, Assistant DCS for Logistics, AJ4.

Hinimok ni Gen. Centino ang mga bagong-promote na Heneral na ipagpatuloy ang kanilang mahusay na serbisyo para sa ikatatagumpay ng kanilang mga unit at ng buong AFP. | ulat ni Leo Sarne

?:Sgt Ambay PA, PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us