Agrikultura, palalakasin sa gitna ng banta ng climate change

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi tumitigil ang pamahalaan na humanap ng iba’t ibang mga hakbang upang malabanan ang epekto ng Climate Change sa bansa.

Ito’y ayon kay National Economic and Development Authority o NEDA Sec. Arsenio Balisacan kasunod ng ginawang 2023 Asia Pacific Agricultural Policy Roundtable.

Ayon kay Balisacan, layon nito na maabot ng bansa ang “agricultural resilience” ng Pilipinas sa gitna na rin ng banta ng Climate Change.

Kabilang sa mga hakbang na ito ani Balisacan ay ang masusing pananaliksik gayundin ang paggamit ng makabagong teknolohiya.

Ayon kay Balisacan, dapat magkaroon ng nature-based solutions para mapababa ang greenhouse gas emission na nag-aambag sa climate change.

Para makamit ito, dapat aniyang makipagtulungan ang pamahalaan sa mga negosyante at iba’t-ibang industriya

Samantala, kasama naman sa nakikita ng NEDA ang crop rotation, intercropping, alternate wetting and drying, at precision agriculture para mapaganda ang kalidad ng mga lupang taniman at mapataas ang ani ng mga magsasaka. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us