Nagsagawa ng Air Assault Exercise ang Armed Forces of the Philippines (AFP), US military, at Australian Defense Force sa Paredes Air Station, Barangay 32 Sapat, Pasuquin, Ilocos Norte nitong linggo.
Bahagi ito ng Balikatan 38 – 2023 Joint Military Exercise na nilahukan ng 81 sundalo ng 99th Infantry Battalion, 7th Infantry Division, ng Philippine Army, kasama ang mga tropa ng US Marines at Royal Australian Army.
Ginamit sa ehersisyo ang Blackhawk at US Marine Super Stallion Helicopter para mag-deploy ng mga sundalo na nagsagawa ng “assault” sa kanilang target.
Nagsagawa din ng Defensive Operations ang mga tropa sa exercise area.
Ang Balikatan 38 – 2023 ang unang pagkakataon na lumahok ang Australia sa taunang pagsasanay militar ng Pilipinas at Estados Unidos. | ulat ni Leo Sarne
?: Philippine Army