Unti-unti nang nakakabawi ang mga international at domestic flights sa bansa dahil sa muling pagdagsa ng mga foreign tourist sa muling pagbangon ng tourism sector ng bansa.
Ayon kay Civil Aeronautics Board Executive Director Carmelo Arcilla, nakakabawi na ang domestic flights sa bansa dahil unti-unti na ang pagluwag ng health restrictions sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Arcilla, unti-unti na ring nakakabawi ang international flights na tumutungo sa ating bansa kung saan naglalaro ito mula 2.5 – 2.7 million tourist arrivals noong 2022.
Samantala, hangad naman ng Civil Aeronautics Board na manumbalik na muli ang domestics at international flighs sa bansa dahil nga sa magandang indikasyon ng muling pagbangon ng turismo sa bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio