‘Alalay sa Manlalakbay,’ inilunsad ng Caloocan LGU ngayong Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang Caloocan local government na alalayan ang mga motorista at mananampalataya ngayong Holy Week.

Sa ilalim ng inisyatibo nitong “Alalay sa Manlalakbay”: Oplan Semana Santa, iniutos ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang pagde-deploy ng mga personnel at assistance/information desks sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Tututukan naman ng Caloocan City Police ang pagpapatrolya at pagtitiyak ng seguridad sa publiko.

Nakahanda rin 24/7 ang Alert and Monitoring Operation Center hotline (02) 888-25664 (ALONG) ng lungsod para agad rumesponde sa mga mangangailangan ng emergency response. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us