Tinaasan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang ibinibigay na allowances para sa mga student-athlete at teacher-coaches ng lungsod na lalahok sa Regional Palaro 2023.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, bukod aniya sa mahigit Php8,000, makatatanggap din ng karagdagang Php5,000 allowance ang mga student-athlete na kakatawan sa regional meet.
Una nang iminungkahi ni Marikina City 1st District Representative Marjorie Ann Teodoro, na itaas ang allowance para sa mga atletang mag-aaral gayundin sa kanilang teacher coach ng hanggang sa Php8,500.
Sinaluduhan rin ng alkalde ang mga atleta at sinabing proud siya sa mga ito, dahil sa kanilang dedikasyon at disiplina.
Magugunitang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na idaraos sa Marikina City ang 2023 Palarong Pambansa, mula Hulyo 29 hanggang Agosto 5 ng taong kasalukuyan. | ulat ni Jaymark Dagala