Araling Panlipunan, MAPEH, pag-iisahin sa revised K-to-12 curriculum

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lilikha ang Department of Education (DepEd) ng bagong learning area para sa Kindergarten hanggang Grade 3 sakaling maisakatuparan ang revised curriculum sa bansa.

Batay sa general shaping papers o draft ng revised K-to-12, pagsasamahin ang social studies, kultura, sining, at kalusugan na tatawaging SIKAP o Sibika, Kultura, Kasaysayan at Kagalingang Pangkatawan.

Sinabi ng DepEd na tugon ito sa pagbibigay ng pansin sa foundational literacy sa first key stage o Kinder hanggang Grade 3.

Pareho umanong multidisciplinary subjects ang Araling Panlipunan at MAPEH na nagpapasiklab ng pagiging makabayan bilang Pilipino.

Isa pang bagong feature ang mabubuo sa curriculum sa pamamagitan ng Science, Technology, Engineering and Mathematics o STEM na tututok sa engineering design process upang gabayan ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng solusyon sa mga problema at turuan sila tungo sa innovation.

Inaasahang mapaiigting ang technology at digital literacy, creativity, openness, critical thinking, problem-solving, reflective thinking, at future orientation ng mga kabataan.  | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us