Australian Trade and Tourism Minister, nakatakdang dumating sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang dumating sa bansa para sa isang working visit si Australian Trade and Tourism Prime Minister Don Farrel sa Pilipinas upang palakasin pa ang economic ties ng dalawang bansa.

Ayon sa DFA, sa naturang working visit, nakatakdang makipagpulong si Farrel sa ilang mga kalihim tulad ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan at kay Department of Finance Secretary Benjamin Diokno upang pag-usapan ang issues of mutual concern ng dalawang bansa.

Kaugnay nito, nakatakda rin na makipagpulong si Farrel sa ilang mga business leader sa bansa at tourism sector ng pilipinas kung papaano mapapalakas ang investment two way trade ng dalawang bansa.

Samantala, si Farrel na ang ikatlong mataas na opisyal mula sa naturang bansa na tumungo sa Pilipinas. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us