Automatic na pagtala sa mga biktima ng kalamidad bilang 4Ps beneficiary, muling isinusulong ni Sen. Alan Peter Cayetano

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa gitna ng pananalasa ng unang bagyong tumama sa Pilipinas ngayong taon, muling isinusulong ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagpapasa ng panukalang isama ang mga bitkima ng mga kalamidad sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ay upang matulungan ang mga biktima na makabangon.

Sa Senate Bill 302 ni Cayetano, gagawing benepisyaryo ng 4Ps sa loob ng isang taon ang mga indibidwal na hindi naman itinuturing na mahirap pero naging biktima ng kalamidad.

Habang ang mga mahihirap naman na naging biktima rin ng kalamidad ay gagawing benepisyaryo ng mas matagal na panahon.

Samantala, sinabi rin ng senador, na dapat maging proactive ang pamahalaan sa paghahanda sa mga kalamidad na tatama sa bansa para kaunti lang ang mga pamilyang maaapetkuhan.

Nanawagan din ang mambabatas sa publiko, na makinig sa mga payo ng gobyerno at makipagtulungan sa pagpapatupad ng mga hakbang sa pag-iingat sa panahon ng kalamidad. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us