Bagong dormitoryo para sa Police Commissioned Officers, pinasinayaan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kasama si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang pagpapasinaya sa bagong Police Commissioned Officers Dormitory sa Camp Crame.

Ang gusali na tinaguriang Condominium Building No. 16, ay itinayo sa ilalim ng DPWH Convergence Program o PNP-DPWH T.I.K.A.S. Program.

Ang proyekto na pinondohan ng 100 milyong piso mula sa 2021 budget ng DPWH ay sinimulan noong September 3, 2021, at nakumpleto nitong Marso 13, 2023.

Nagpasalamat si Gen. Azurin sa DPWH sa pagkumpleto ng proyekto na magsisilbing tirahan ng mga kwalipikadong opisyal sa Camp Crame.

Bahagi ito ng mga inisyatiba ng gobyerno para mapaganda ang kondisyon ng pamumuhay ng mga pulis at kanilang mga pamilya, para makatulong sa pag-angat ng morale at kakayahan ng pambansang pulisya. | ulat ni Leo Sarne

?: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us