Sasabak sa on-site training ang 147 na bagong Immigration Officers o IOs, ayon sa Bureau of Immigration o BI.
Batay kay Commissiion Norman Tansingco, ang mga bagong IO ay ide-deploy sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA simula sa April 24, kung saan sasailalim sila sa “hard at soft skills.”
Sinabi ni Tansingco na ang mga bagong IO ay dagdag sa pwersa, lalo ngayong kasagsagan ng “travel season” sa panahon ng tag-init.
Inaasahang makakatulong din aniya ang hakbang ng BI para mapagbuti ang serbisyo sa mga biyahero, at upang masiguradong naipatutupad ng tama ang immigration protocols para maiwasan ang banta ng human trafficking.
Matapos naman ang trainig ng IOs, sila ay ipapakalat sa iba’t ibang Paliparan at opisina ng BI sa buong bansa.
Dagdag ni Tansingco, ito ay parte ng target ng BI na maisaayos ang manpower nila sa pamamagitan ng pag-maximize sa plantilla.| ulat ni Lorenz Tanjoco