Bagong PNP Chief, bukas sa puna ng mga kritiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome kay bagong PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pagpuna ng mga kritiko.

Sa kaniyang mensahe matapos na manumpa sa kaniyang bagong katungkulan ngayong umaga, sinabi ni Gen. Acorda na ang mga kritiko ay nagsisilbing “check and balance” ng PNP.

Kasabay nito, nanawagan naman sa mga miyembro ng media si Acorda na suportahan ang PNP sa paghahatid ng impormasyon sa publiko para sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Ayon kay Acorda, magiging transparent ang PNP at kailangan nito ang suporta at commitment ng lahat upang malagpasan ang mga pagsubok na kakaharapin ng organisasyon.

Ayon kay Acorda, itutuloy niya ang paglilinis sa hanay ng PNP mula sa mga opisyal na sangkot sa iligal na droga na nasimulan ni dating PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us