Bagong PNP Chief, ipagpapatuloy ang nasimulan ni Gen. Azurin sa paglilinis sa kapulisan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipagpapatuloy ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang paglilinis sa hanay ng PNP na sinimulan ni dating PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Ito ang tiniyak ni Gen. Acorda sa kaniyang assumption speech matapos na manumpa sa kaniyang bagong katungkulan sa harap ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga sa Camp Crame.

Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni Gen. Acorda na walang pulis na dapat masangkot sa iligal na droga, at magiging mabilis at may “due process” ang pagpaparusa sa mga nagkasala.

Pagtitiyak niya, magiging masigasig ang PNP sa pagbibigay ng “police service” at sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Tiniyak niya rin ang pagpapaigting ng kampanya sa kriminalidad.

Si Acorda na nagsilbi bilang Intelligence Director bago naging PNP Chief, ay mula sa Philippine Military Academy o PMA Sambisig Class of 1991.

Si Acorda ay magsisilbi bilang PNP chief sa loob ng mahigit pitong buwan hanggang sa magretiro ito sa Desyembre 3, 2023 pagsapit ng kaniyang ika-56 na kaarawan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us