Bagong sattelite offices ng DSWD, binuksan sa Caloocan at Baclaran

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas inilapit pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang serbisyo nito sa mga residente ng Metro Manila sa pagbubukas ng mga karagdagang satellite offices.

Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang opisyal na pagbubukas ng DSWD Field Office NCR Crisis Intervention Section (CIS) Satellite Office sa Victory Food Market, Baclaran, Parañaque City at pati ang CAMANAVA Satellite Office na matatagpuan sa Victory Central Mall, Monumento, Caloocan City.

Ayon sa DSWD, sa pamamagitan ng dalawang bagong satellite office, ay mas mailalapit ang iba’t ibang tulong at serbisyong panlipunan ng DSWD para sa agarang tulong at suporta sa mga indibidwal o pamilyang nakararanas ng krisis.

Sa bagong satellite office sa Baclaran, maaaring lumapit ang mga nangangailangang residente sa lungsod ng Parañaque; at sa mga kalapit bayan nito tulad ng Pasay, Las Piñas, at Muntinlupa habang mga residente naman ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ang maaaring magtungo sa binuksang Camanava satellite Office.

Bukas ang mga tanggapan na ito sa mga kwalipikadong kliyente na hihingi ng tulong sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), para sa pangangailangang medikal, pampalibing, transportasyon, at iba pa.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us