Pinangunahan ng Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-turn over sa Pamahalaang Panlalawigan ng Negros Oriental ng kauna-unahang bahay kanlungan para sa mga dating rebelde na itinayo sa Rehiyon 6 at 7.
Ang nasabing bahay kanlungan, na may limang kuwarto ay itinayo sa 200 metro kwadradong lote sa loob ng Camp Leon Kilat sa Brgy. Santa Cruz Viejo, Tanjay City, Negros Oriental.
Maari itong maka-accommodate ng 10 dating rebelde at may dalawang karagdagang kwarto para sa staff na magsasagawa ng orientation at reintegration activities para sa mga nagbalik-loob.
Ang seremonya ay dinaluhan ni Undersecretary Angelito M. De Leon, ang Chairperson ng Task Force Balik Loob na kumatawan sa DND; Visayas Command (VISCOM) Commander Lieutenant General Benedict M Arevalo PA; at Dir Leocadio T Trovela, CESO III, Regional Director ng DILG Region VII.
Dito’y ipinagkaloob din sa 21 dating rebelde ang kabuuang 755-libong pisong cash na bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). | ulat ni Leo Sarne
: VISCOM