Balasahan sa PNP, hindi muna ipatutupad ng bagong PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mananatili muna sa kani-kanilang mga pwesto ang mga matataas na opisyal ng PNP, kabilang ang mga miyembro ng Command Group.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., hindi pa niya iniisip ang pag-revamp sa mga opisyal ng PNP.

Ang pahayag ay ginawa ni Acorda sa kanyang unang press conference ngayong umaga sa Camp Crame, matapos magsagawa ng Command Conference, kung saan inilatag niya ang kanyang guidance sa mga matataas na opisyal ng PNP.

Ayon kay Gen. Acorda, kung magkaroon man ng paglilipat ng pwesto ng mga opisyal ng PNP ito ay alinsunod sa mga umiiral na patakaran at polisiya ng PNP.

Binigyang diin ni Acorda na katulad ng kanyang inihayag sa kanyang assumption speech, ang promosyon at assignment ng mga opisyal ay ibabase sa kanilang merito, kakayahan at moral ascendancy. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us