Balikatan 38 – 2023 exercises sa Batanes, isasagawa sa Abril 22

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Northern Luzon Command (NOLCOM) sa suporta ng lokal na pamahalaan at mga residente ng Batanes sa pagdaraos ng Balikatan 38-2023 Exercises sa lalawigan sa Abril 22 hanggang 23.

Ito’y matapos ang isinagawang forum sa Provincial Capitol kahapon na nilahukan ng militar, mga Punong Barangay, Municipal Mayors, Department Heads, Church leaders, at concerned sectors, kaugnay ng napipintong pagsasanay ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa lalawigan.

Dito’y tiniyak ng NOLCOM na walang gagawing live-fire exercise sa lalawigan, at ang isasagawang air assault operations exercise, non-standard maritime and free-fall infiltration, and High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) landing via Landing Craft Utility (CLU), ay hindi makakasagabal sa pamumuhay, ancestral domain at protected areas.

Nilinaw din ng NOLCOM na ang pagsasanay ay walang kinalaman sa isyu ng Taiwan at China, at ang pagsasanay ay para mapalakas ang interoperability ng magkaalyadong pwersa sa pagtugon sa anumang kaganapan o sakuna. | ulat ni Leo Sarne

?: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us