Pormal nang magwawakas bukas ang Balikatan 38 – 2023 ang pinakamalaking sabayang pagsasanay militar ng Pilipinas at Estados Unidos sa kasaysayan.
Ang closing ceremony ay isasagawa sa Camp Aguinaldo bukas ng hapon, kasunod ng matagumpay na Combined Joint Littoral Live Fire exercise kahapon sa San, Antonio Zambales, na tampok na aktibidad sa halos tatlong linggong pagsasanay.
Mahigit 17,000 sundalo ng Armed Forces of the Philippines, US military at Australian Defense Force ang nakilahok sa pagsasanay, na dinaluhan din ng mga observer mula sa Japan at iba’t ibang ASEAN countries.
Kasunod naman ng Balikatan ay isasagawa ang ikalawang yugto ng Salaknib Exercise sa pagitan ng Philippine Army at US Army Pacific (USARPAC).
Matatandaang nagwakas ang unang yugto ng Salaknib Exercise noong Abril 4, bago nagsimula ang Balikatan Exercise noong Abril 11. | ulat ni Leo Sarne