Basilan solon, malaki ang pasasalamat matapos ma-upgrade ang Basilan General Hospital sa Level 2

Facebook
Twitter
LinkedIn

Labis na nagpapasalamat si Basilan Representative  Mujiv Hataman sa Department of Health (DOH) na sa wakas ay na-upgrade na sa pagiging Level 2 hospital ang Basilan General Hospital.

Aniya, noong deliberasyon ng 2023 national budget noong nakaraang taon, ay kaniyang inilaban at tinayuan sa Kongreso ang matagal nang nabinbin na upgrade ng BGH.

Nasa 24 na taon kasi aniya natengga ang implementasyon ng upgrading ng BGH gayong 1998 pa ito naisabatas.

Mula sa pagiging 25 bed hospital ay binigyan na ng DOH ng lisensya ang BGH para mag-operate at itaas sa 100 bed ang kapasidad nito.

Umaasa naman si Hataman na masundan agad ito ng pagpapatibay sa panukala na gawing Basilan Medical Center ang BGH at itaas sa 500 ang bed capacity nito.

“Finally, isang magandang balita dahil inasikaso na ng DOH at binigyan na ng license to operate 100 beds ang BGH mula sa kasalukuyang 25-bed capacity nito. Sana ay ganap nang maging Level 2 hospital ang BGH ngayong taon! Ang next level na ating itinutulak naman ay ang ma-convert na ang BGH into Basilan Medical Center (BMC) o Level 3 hospital na,” ani Hataman.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us