BFAR, mamamahagi ng fuel subsidy sa mga mangingisda sa Navotas sa April 24

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling mamamahagi ng fuel subsidy ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-National Capital Region sa mga mangingisda ng Navotas.

Ang distribusyon ng fuel subsidy ay gagawin sa Pangisdaan Hall sa Navotas City Hall sa lunes, Abril 24 simula alas-9 ng umaga.

Bilang paglilinaw, ito ay para sa mga benepisyaryo na hindi nakatanggap ng subsidiya noong Oktubre 5 ng nakalipas na taon at mga hindi nakakuha sa batches 1 at 2.

Bago ang pamamahagi, sasailalim muna sa beripikasyon ang mga benepisyaryo na pinasimulan na kahapon.

Paalala pa sa mga benepisyaryo na hindi

pinapayagan ang authorized representative sa pagkuha ng fuel subsidy. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us