Prayoridad ng Bureau of Immigration na baguhin ang kasalukuyang Immigration Law ng bansa upang lalo pang mapalakas ang mandato nito.
Sa Partners Usapang Balita Media Forum, sinabi ni Immigration Spokesman Dana Sandoval, isinusulong nila sa Kongreso ang modernization ng ahensya para sa mas mabilis na serbisyo.
Sa ngayon, 82 years old na ang ginagamit na Immigration Law ng Pilipinas kung kaya’t may mga bahagi nito ang halos hindi na akma para gamitin sa kasalukuyan.
Desidido ang BI na mapalitan na ito kung kaya’t hinihingi nila sa mga mambabatas na aksyunan ang panukalang batas tungkol dito.
Mapapatatag din daw ang security of tenure ng mga empleyado ng BI at tiyak na makakasabay ang Pilipinas sa mga modernong kagamitan. | ulat ni Michael Rogas