Upang mabawasan ang haba ng pila sa mga immigration area sa NAIA terminals ay nakatakdang magdagdag ng Bureau of Immigrations ng karagdagang 147 na bagong kawani ng BI sa susunod na linggo.
Ayon kay Bureau of Immigrations Commissioner Norman Tansingco ay layon ng karagdagan tauhan ng BI sa NAIA na mas maserbisyuhan pa ng maayos ang publiko na bibiyahe papasok at palabas ng bansa at nang hindi na magkaroon ng congestions sa NAIA terminals.
Dagdag pa ni Tansingco, nasa 800 employees na ang nakatalaga sa apat na paliparan sa lungsod ng Pasay upang umantabay sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong summer season.
Ang naturang mga bagong immigration officers ay sasailalim din sa pgsasanay para sa theoretical trainings at communication at conflict resolution para mas equip ang mga ito sa kanilang paseserbisyo. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio