Nasa 330,000 metric tons ng bigas ang iminungkahi ng National Food Authority (NFA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para angkatin at maidagdag sa kailangang buffer stock ng bansa.
Isa ito sa napag-usapan sa ipinatawag na pulong ng Pangulo sa Malacañang kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Plant Industry (BPI), at NFA.
Nakapaloob sa dami ng rice import proposal ng NFA ang gagamitin para sa relief operations ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa gitna ng inaasahang pagtama ng mga kalamidad sa bansa.
Sapat naman hanggang katapusan ng taon ang suplay ng bigas ngayong 2023 na nasa 16.98 million metric tons gayung ang kailangan lang ay 15.29 MMT.
Sobra pa aniya ito ng 1.69 metric tons o 45 days buffer stock pagdating ng 2024 subalit hindi na abot sa ideal na buffer stock para ma- stabilize o mapatatag ang presyo ng bigas. | ulat ni Alvin Baltazar