BIR Commissioner, bumisita sa BIR Manila kasabay ng huling araw ng filing ng ITR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-inspeksyon si Bureau of Internal Revenue o BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa BIR Revenue Region 6 sa Intramuros, sa Maynila ngayong umaga.

Ito ay para personal na makita ang sitwasyon sa huling araw ng paghahain ng Annual Income Tax Returns o AITR ngayong April 17.

Ayon kay Lumagui, wala nang extension o pagpapalawig sa April 17 deadline ng AITR.

Aniya, hindi naman nagkulang ang BIR sa kanilang kampanya at pagbibigay paalala hinggil sa paghahain ng AITR, at pagbabayad.

Sa katunayan, nagsagawa sila ng pulong balitaan, naging aktibo ang social media ng BIR, at nagpakalat ng mga tarpaulin at katulad para magbigay impormasyon sa mga tao.

Sinabi pa ni Lumagui na naglagay ang BIR ng centers sa mga ahensya, malls at iba pa bilang dagdag venue para sa tax payers.

Nakipagtulungan din ang BIR sa maraming bangko para i-extend ang kanilang oras at i-accommodate ang mga tax payer.

Nagpatupad din ang BIR ng file and pay anywhere.

Sa ngayon, may mga dumarating na sa BIR RR6-Manila.

Pero kapansin- pansin na hindi gaanong dagsa ang mga tao.

Batay sa mga taga-BIR, mas inavail ng mga tao ang online services ng BIR. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us