Bisa ng driver’s license, pinalawig ng LTO hanggang Oktubre 31

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng driver’s license na mapapaso na simula Abril 24, 2023.

Nilagdaan ngayong araw ni LTO Chief Jay Art Tugade ang Memorandum Circular na nagpapalawig ng validity ng drivers license hanggang Oktubre 31, ngayong taon.

Maliban dito, maituturing na waived o hindi na sisingilin ang multa sa late renewal.

Ang hakbang ay ginawa ng LTO sa harap na rin ng nararanasang kakulangan ng suplay ng license cards sa lahat ng tanggapan ng ahensya sa bansa.

Kasabay nito, sinabi ni LTO Chief Tugade na umaasa ang ahensya na agad nang matatapos ng DOTr ang proseso ng procurement o pagbili ng license cards upang mapasimulan ang pag-iimprenta at maibigay na sa mga drayber na naghihintay na makahawak ng plastic card na driver’s license.

Inaabisuhan naman ang lahat ng law enforcers ng LTO at deputized agents nito na kilalanin ang validity o bisa ng driver’s license na napaso simula sa Abril 24. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us