BuCor, magkakaroon ng major overhaul sa lahat ng mga kawani ng New Bilibid Prisons

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakaroon ng major overhaul sa lahat ng kawani at empleyado ng Bureau of Corrections (BuCor) upang maiwaksi ang mga maling gawain sa New Bilibid Prisons (NBP) na kinasasangkutan ng mga prison guards ng NBP sa maximum security compound

Ayon kay BuCor Chief Director General Gregorio Catapang na nakatakdang sumailalim ang nasa 700 kawani ng BuCor ang sasailalim sa retraining dahil sa ilang pagkakadawit sa illegal na transaction sa loob ng Bilibid.

Dagdag pa ni Catapang na bukod sa retraining ay ire-reassign pa ang mga ito sa ibang penal farms upang magkaroon ng karagdagang tauhan bagay na ire-request ng mga penal wardens.

Samantala, kabilang sa nais na pagbabago ni Catapang ang pglalagay ng body cameras sa bawat prison guards upang ma-monitor ang bawat kilos at galaw ng bawat prison guards sa NBP. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us