Budgetary needs para sa mas mainam na paglilingkod ng PNP, susuportahan ng House Appro Chair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaisa si House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co sa mga nagpaabot ng pagbati sa bagong talagang hepe ng pambansang pulisya.

Ayon kay Co, makakaasa ng suporta si PNP Chief Benjamin Acorda, Jr. mula sa Kongreso lalo na pagsapit ng budget season.

Aniya, sa inaasahang pagharap ng pinuno ng kapulisan sa budget hearings ay titiyakin ng House leadership na maibibigay ang karampatang pondo para maipatupad nito ang paglaban sa krimen at insurgency.

Umaasa naman si Co na makapaglatag si Acorda ng bago at mas epektibong mga programa sa PNP na maghahatid ng pangmatagalang impact sa publiko. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us