CAAP, walang naitalang pinsala sa mga paliparan sa Isabela kasunod ng nangyaring lindol kahapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang naitalang pinsala sa mga paliparan ang magnitude 5.6 na lindol sa Moconacon, Isabela kahapon.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio matapos ang lindol agad nilang inactivate ang tower emergency plan upang suriin ang mga paliparan na matatagpuan malapit sa pinangyarihan ng lindol.

Sa ngayon patuloy ang passenger terminal operation matapos makitang normal ang sitwasyon.

Nagsagawa din ng assesment sa terminal building, communication equipment, at wala ring nakitang pinsala sa airport run way.

Sa kabila nito patuloy na nakatutok ang CAAP sa sitwasyon dahil sa posibleng pinsalang idudulot ng mga aftershock. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us