Naghayag ng kanyang matinding interes si Cavite City Mayor Denver Chua na sumali sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program ng administrasyon Marcos.
Sa ulat ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), nakipagpulong na ang alkalde kay DHSUD Secretary Rizalino Acuzar para sa posibleng partnership sa pabahay program.
Layon din nito na makatulong na tugunan ang housing backlog sa bansa na abot sa mahigit 6.5 milyong units.
Ipinakita din ng alkalde ang mga plano sa pabahay ng Lungsod ng Cavite na pakikinabangan ng may 497 pamilya.
Kampante din ito na matugunan din sa kalaunan ang kanilang 6,000 backlog sa pabahay.
Bilang tugon, ipinangako ni Secretary Acuzar ang kanyang buong suporta kay Mayor Chua na umaasa sa agarang pagsisimula ng proyekto upang matiyak na ang disente at abot-kayang mga tirahan ay maibibigay sa kanyang mga nasasakupan. | ulat ni Rey Ferrer