Nagpaabot ng pagbati ang isa sa mga veteran legislator ng Mababang Kapulungan sa Marcos Jr. administration matapos makakuha muli ang top ranking officials ng gobyerno ng mataas na trust at performance rating.
Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, kada survey na lumalabas ay ipinapakita ang magandang pagtanggap ng publiko sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Survey after survey, we see high ratings for President Marcos Jr. and key officials of the government including our dear House Speaker Martin G. Romualdez. Be it satisfaction, approval or trust ratings, the Marcos administration consistently earns high marks! So this is a confirmation. If you consistently score very high in successive surveys that deal with public approval, trust or satisfaction, it confirms you are doing a good job. So I congratulate all the officials who scored high in these surveys.” saad ni Barzaga
Sa isinagawang Tugon ng Masa survey ng OCTA research, nakakuha ng 83% trust rating si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., 87% kay VP Sara Duterte, 55% kay House Speaker Martin Romualdez, 50% kay Senate President Migz Zubiri at 39% para kay Chief Justice Alexander Gesmundo.
Pagdating naman sa performance rating, nakakuha ang Pangulong Marcos Jr. ng 80%, 84% para kay VP Sara, 59% kay Romualdez, 53% kay Zubiri at 41% kay Gesmundo.
Sa mga nakaraang survey na ikinasa ng Pulse Asia at SWS ay kapwa nakakuha rin ng mataas na rating ang naturang mga opisyal.
Paglilinaw naman ni Barzaga na hindi sila nagtratrabaho para sa mataas na ratings sa survey, ngunit ang mga numerong ito ay nagsisilbi aniyang inspirasyon para sa kanila na ipagpatuloy ang maayos na paglilingkod sa bayan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes