CHR, kinundena ang pambubugbog ng isang pulis sa kanyang kasintahan sa Kidapawan City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang nag-viral na video sa social media kung saan makikita ang pambubugbog, at panunutok ng baril ng isang pulis sa kanyang kasintahan sa Kidapawan City.

Kinilala ang pulis na si Police Corporal Louie Jay Lumancas habang ang biktima naman ay si Shaira Basmayor Kahar.

Ayon sa CHR, ang karahasang ito ay malinaw na paglabag sa Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women (CEDAW).

Hindi rin aniya katanggap-tanggap na patuloy na nagiging biktima ng mga pang-aabuso ang mga kababaihan lalo na sa isang pulis na dapat ay nagbibigay proteksyon rito.

Kinilala naman ng Komisyon ang agarang pag-aresto sa suspek ng Kidapawan City Police at paghahain ng kasong kriminal at administratibo laban kay Lumancas.

Kasunod nito, hinikayat ng CHR ang mga awtoridad na tiyaking mapapanagot sa batas ang suspek.

Muli rin itong nanawagan ng mga dagdag na panukalang magbibivay proteksyon sa mga kababaihan at kabataan sa lahat ng uri ng pangaabuso at karahasan.

“CHR reiterates its commitment to upholding and promoting human rights and calls on all stakeholders to work together to create a society where everyone can live free from violence and fear. We stand with Kahar and all victims of gender-based violence and call for justice, redress, and the full protection of their rights,” pahayag ng CHR. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us