Ngayong umaga isasagawa ang Combined Joint Littoral Live Fire Exercise sa San Antonio, Zambales, na “highlight” ng Balikatan 38 – 2023.
Ang pagsasanay ay katatampukan ng paggamit ng High Mobility Rocket System (HIMARS) para tamaan ang target sa karagatan.
Dito’y palulubugin ang isang lumang barko ng Philippine Navy, ang BRP Pangasinan (PS-31), na gagawing target ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US military.
Ang BRP Pangasinan na na-decommission noong March 2021, ay dating US Navy patrol craft escort na ginawa noon pang 1943, at ibinigay ng Estados Unidos sa Pilipinas noong 1948.
Ang ehersisyo ay para masubukan ang kakayahan ng pwersa ng dalawang bansa na rumesponde sa posibleng intrusion sa Philippine Territorial waters. | ulat ni Leo Sarne