Construction worker na namaril sa dating nakaalitan, arestado sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli sa manhunt operation ng pulisya ang 33-taong gulang na construction worker sa bahagi ng IBP Road sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

May warrant of arrest ang lalaki sa kasong attempted murder.

Ayon kay Police Major Kenneth Leaño, deputy station commander ng QCPD Station-6, nag-ugat ang kaso matapos umano barilin ang isang kakilala sa paa noong November 6, 2022.

Aniya, dating nakaalitan ng akusado ang biktima at nagawa ang pamamaril para umano takutin ito.

Aminado ang lalaki sa nagawa dahil sikat umano na magnanakaw ang kanyang binaril.

Kabilang umano sa mga ninakaw nito ang scaffolding ng tinitirhang bahay at pagkain mula sa isang tindahan.

Giit ng lalaki na hindi niya alam na may warrant of arrest siya dahil nagkaayos na sila ng biktima matapos nito iurong ang demanda.

Nasa kustodiya ng QCPD Station-6 ang inarestong construction worker. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us