Bahagyang tumaas sa 7.2% ang COVID-19 weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong April 15, batay sa ulat ng independent monitoring group na OCTA Research.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mas mataas ito kumpara sa naitalang 6.5% noong nakalipas na linggo.
Dahil dito ay nasa moderate risk classification pa rin ng COVID-19 ang Metro Manila.
Bukod naman sa NCR, tumaas rin ang positivity rates sa iba pang lalawigan sa Luzon.
Kabilang rito ang Camarines Sur, Misamis Oriental at Rizal na nakapagtala ng higit sa 20% na positivity rate. | ulat ni Merry Ann Bastasa