DA, inalerto ang mga magsasaka, mangingisda sa banta ng bagyong Amang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda sa banta ng bagyong Amang.

Ayon sa DA, kabilang sa inaasahang maapektuhan ng bagyo ang Bicol Region, Samar, at katimugan ng Quezon hanggang Huwebes ng gabi.

Kaya naman, ngayon pa lang ay inabisuhan na nito ang mga magsasaka na anihin na ang kanilang mga palay at mga gulay bago pa maapektuhan ng pag-ulan.

Pinalilinis na rin ang mga daluyan ng tubig sa mga irigasyon at mga pilapil upang maiwasan ang mga pagbaha.

Maging ang mga mangingisda ay pinayuhan na ring hanguin ng maaga ng kanilang mga isda at ipagpaliban na muna ang pagpapalaot lalo na sa mga lugar na nakararanas na ng malakas na hangin at alon dahil sa bagyo.

Sa panig ng DA, tiniyak naman nitong tuloy tuloy na ang paghahanda para ayudahan ang mga maapektuhang magsasaka at mangingisda ng bagyo.

Kabilang dito ang pag-preposition ng mga binhi at pakikipagugnayan na rin sa mga LGU at Regional DRRM offices. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us