Dalawang centenarians sa Ozamis City, nakatanggap ng cash gift mula sa DSWD at lokal na pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Masayang ipinagdiwang ng dalawang Lola na parehong centenarian ng Ozamis City ang kanilang 100 years old matapos tumanggap ng tig-300 libong piso mula sa pamahalaan.

Sina Lola Pompia Ochagabia Balcita ng Barangay Maningcol at Tiburcia Gaid Parojinog ng Barangay Molicay na kapwa ipinagdiwang ang kanilang kaarawan ngayong Abril ay tumanggap ng ₱100,000 mula sa DSWD habang nagbigay din ng ₱100,000 ang Misamis Occidental Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Henry Oaminal at ₱100,000 din mula kay Mayor Henry Oaminal Jr. at ng City Council.

Ayon kay Mayor Oaminal, ang programang ito ay bahagi ng commitment ng Ozamis City sa mga senior citizen na nagbigay ng kanilang sakripisyo noong kabataan para mapaunlad ang lungsod.

Maliban sa cash gift, tumanggap din ang dalawang centenarian ng sulat ng pagbati mula kay Pang. Bongbong Marcos Jr.

Pinalawak na rin ng Ozamis City LGU ang kanilang Health Care program upang alagaan ang mga senior citizen sa lungsod para maabot din nila ang centennial age.

Sina Lola Balita at Parojinog ang ika-siyam at ika-sampung centenarian sa Ozamis City na nakatanggap ng cash gift mula nang ilunsad ng Asenso Ozamis administration ang ganitong uri ng programa. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us